You Must Know Me

“People always fall in love with the most perfect aspects of each other’s personalities. Who wouldn’t? Anybody can love the most wonderful parts of another person. But that’s not the clever trick. The really clever trick is this: Can you accept the flaws? Can you look at your partner’s faults honestly and say, ‘I can work around that. I can make something out of it.’? Because the good stuff is always going to be there, and it’s always going to pretty and sparkly, but the crap underneath can ruin you.”
— Elizabeth Gilbert  (via ding-ang-bato)

I accepted him and still love him even many things happened, even I found many flaws in him. But still, all of that were not enough for him just to be with me.

(Source: hqlines, via extraordinarysitay)

“Ang layo ko na nga e. Nasasaktan pa rin ako. Simpleng status niya lang yun a! Ang bilis lang talaga niya magkaroon ng iba! Ang sakit naman.”
“I hate the way you talk like a boss.
I hate the way you demand like I’m a slave.
I hate the way you bully me everytime we see each other.
I hate the way you don’t want to let go something.
I hate the way you hate yourself because of love.
I hate the way of confessing your love for me.
I hate the way of doing things slowly but not surely.
I hate the way you don’t touch my lips or don’t hug me tight.
I hate the way you said things clearly but not true enough.
Mostly, I hate the way you make me fall too hard but you did not catch me at all.”
— #SiKuyaPaRin

1 month pa lang ako dito sa Taiwan pero marami ng nagbago sa physical features ko. Nag aadjust masyado katawan ko dito sa Taiwan. Hindi sanay balat ko na makapunta ng ibang bansa at nagkakapimples ako and laging may pasa and mahahapdi na part kapag nahahanginan dito. Grabe ang arte talaga ng balat ko.

Noong isang linggo naman napahealth service ako. Paano naman kasi , halos lahat ng kinakain ko sinusuka ko na. Kaya ayan mas dumami ang bawal and wag masyado kakain ng marami na dapat wag papakabusog daw. Pinagbawalan na din nila ako uminom ng gamot dahil wala na daw epekto. Immuned na daw katawan ko. Mabuti na lang nandyan sila Ate Mich. Inaalayan nila ako together with my labmates.

Mabuti nga di maarte studies ko. At least naiintindihan ko sila kahit paano. Parang nanonood lang ako ng movie kasi buong 3 hours nakatitig lang ako at nagbabasa ng powerpoint sa discussion. Pano, chinese ba naman medium of instruction , huhu. Nasaan ang pagiging international student ko . Pero ayos lang. Pinili ko ito and ako dapat mag adjust!

Daming adjustments sana kaya ko pa lalo na ng katawan ko lalo na at mahina talaga. Kaya to. Ako pa. ;)

Masaya ako dito kahit mahirap. Worth it pagpili ko na mag CYCU .

Blessed

Noong una nagdalawang isip na ako pumunta sa CYCU para mag aral. Natanggap na ako noon sa work and binigyan pa nila ako ng chance na mag isip hanggang August. Mahirap mamili noon pero sabi ko bata pa naman ako kaya ayos lang kahit mag aral pa ako and isa pa, nakuha ko rin naman yung scholarship. Daming hirap ng mga magulang ko para lang tumuloy ako. Mula sa birth certificate, passport, lahat na. Sabi ng ilan sa kabarkada ko wag na ako tumuloy. But due to some circumstances, tumuloy ako without knowing kung tumuloy ba ako dahil gusto ko to or para makatakas sa mga taong nanakit sa akin.

Pagdating ko dito, lahat nagbago. Culture shock, lifestyle change, total adjustments. Hirap pala nun. Pero kung titingnan ko sa brighter side, blessed pala ako masyado. Nakuha ko yung scholarship. Makakapagmasters ako. Binigyan ako ni Papa God ng mabubuting labmates. Super warm nila sakin ,promise! Kung ano yung nakasanayan ko sa college na tulong tulong, mas pa dito. Kaya kahit nahohomesick ako, nandyan sila palagi para alalayan ako.

Hirap man kami sa communication medium because of Chinese and English, isabay mo pa talaga na maka-Tagalog and Ilokano ako,nagkakaintindihan pa rin kami. Super saya ko sa labmates ko. Yung iba sa kanila, kapatid na turing sa akin agad agad. Ito na naman tiwala ko sa kanila. Yes, tiwala na ako pero sana matanggal ko yung barrier na nagsasabi na medyo lumayo ako baka saktan din ako. Yung iba alam na rin nila dahilan bakit ako nandito sa Taiwan.

Masaya na makakita ng mga bagong tao. Ginagawa ko lahat makapasa and mabago yung sarili ko . Kung maaari maibalik sa dati na buo at genuine yung smile ko. Yung tipong totoo lahat. Salamat sa labmates ko. Sobra sobra.

I miss my girls!
Don’t be pressured in Med.  Study hard, play harder. ;)
I love you! Keep pushing! God bless.

I miss my girls!
Don’t be pressured in Med. Study hard, play harder. ;)
I love you! Keep pushing! God bless.

Sunday cheatday in Taipei. Thanks to Kuya Peter! 
#SocialLife

Sunday cheatday in Taipei. Thanks to Kuya Peter!
#SocialLife

Reality Check.

Hindi naman dapat maramdaman yung ganoong feeling kapag sweet lang sa iyo yung isang tao. Minsan kasi likas na sa kanya yung sweetness sa katawan niya at namimis interpret lang yun ng karamihan.

Been there.

Halos lahat yata ng fantasies ko about love nawala na because of what happened to me. Hopeless romantic pa rin ako, naniniwala sa happy endings, trust, and right guy at right time and place pero marami na nagbago. Maraming bagay na ang nakapagpatunay at nakapagpabago sa paniniwala ng puso ko.

Hindi na ako katulad ng dati na makaka -appreciate ng ginagawa para sa akin. Pipigilan ko na yung sarili ko na gawin yung mga bagay na gusto kong gawin especially sa like and love dahil alam ko sa huli masisira lang lahat and magkakasakitan. Hindi ko na rin alam paano ma-touch sa mga love stories na nababasa ko. May mga times na iiyak na lang ako pero di ko alam bakit then suddenly, mag-flashback lahat sa utak ko yung ginawa nila sa akin. Hindi na rin ako naniniwala sa mga taong nagpapakita sayo ng sweetness or caring kung totoo or may kailangan lang sayo.

Itong mga pagbabago na ‘to? Ayaw ko naman ‘to e. Pero di ko na maibalik yung mga oras na ,tunay lahat ng nararamdaman ko sa tao. Kasi mas marami yung oras na parang ipinadama nila sa mundo ko, lalo na sa puso ko na ,hindi lahat ng tao nagmamahal ng katulad kung paano ko sila mahalin. Hindi lahat ng tao kayang magtiwala kahit totoo ka sa kanila. Mostly, hindi lahat ng tao kayang isaalang alang nararamdaman mo kahit kaibigan mo pa sya.

Haaay, anong ginawa ng mga taong ito sa akin. Ive changed to worse.